MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na ipinagpaliban ang Tripartite MOA signing sa pagitan ng Comelec-NPO-MIRU ngayong araw, Setyembre 3.
Ayon sa Comelec, ito ay muling itinakda sa Setyembre 5, alas-3 ng hapon sa Chairman Hall sa Palacio del Governador Bldg, sa Intramuros, Maynila.
Samantala, tuloy naman ang budget hearing sa kapulungan si Garcia, mga komisyunee at Comelec Senior Officials na itinakda ngayong hapon sa kabila ng suspensyon ng government work dahil sa bagyong Enteng.
Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ilang sangay din ng Comelec ang suspendido ang pasok alinsunod na rin sa government work suspension na idineklara ng MalacaƱang.
Kabilang sa walang pasok na sangay ng komisyon ang ORED IV-B, Comelec National Capital Region at Region IV-A.
Samakatuwid, lahat ng Frontline Services sa nasabing apaektadong mga opisina ay suspendido rin kabilang ang Voters Registration, Issuance of Voters Certification at kahalintulad na serbisyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden