ANG Department of Health (DOH) ay opisyal na inilunsad ang pinakabago nitong primary care initiative, ang PuroKalusugan Program, sa Navotas City.
Dinisenyo ang PuroKalusugan upang direktang dalhin ang essential healthcare services sa komunidad na layunin nito na magtatag ng health service access points sa bawat purok sa bansa.
Ipinahayag naman ni Mayor John Rey Tiangco ang kanyang suporta sa PuroKalusugan Program, na binibigyan diin ang papel nito sa pagpapaunlad ng isang mas malusog na komunidad.
“This program is a testament to our shared vision of making healthcare accessible to every NavoteƱo. By bringing these services directly to our barangays, we are not only addressing immediate health needs but also empowering our residents to take charge of their well-being,” aniya.
Ang event, ay ginanap sa North Bay Boulevard North Elementary School, na nakita ng aktibong partisipasyon ng komunidad kasama ang mga residente sa lahat ng edad na nakikinabang mula sa malawak na hanay ng health services. Kabilang dito ang nutrition services, immunization, family planning, HIV screening and prevention, tuberculosis control, non-communicable disease prevention, maternal health services, at environmental and sanitation programs.
Higit pa sa pagbibigay ng healthcare services, ang PuroKalusugan Program ay nagtataguyod din ng malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng paghikayat sa mga residente na magsagawa ng regular exercise, umiwas sa droga at alkohol, at makakuha ng sapat na pahinga.
Kabilang sa dumalo sa paglulunsad sina DOH Metro Manila Center for Health Development Regional Director Dr. Rio L. Magpantay, PhilHealth Caloocan Local Health Insurance Office Head Brian Florentino, Navotas city at mga barangay opisyal. JOJO RABULAN