MANILA, Philippines – Patuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon dahil sa malalakas na ulan dala ng Tropical Storm Enteng.
Sa dam update ng PAGASA, sinabi na ang reservoir water level (RWL) sa Angat Dam ay tumaas mula 183.56 metro sa 187.70 metro ngayong Martes.
Ang normal high water level (NMWL) ng dam ay 210.00 metro.
Bahagyang tumaas din ang RWL sa La Mesa Dam mula 79.51 metro sa 79.92 metro.
Nakapagtala rin ng pagtaas sa lebel ng tubig ang San Roque Dam mula 252.94 metro patungong 253.64 metro; Pantabangan Dam mula 190.32 metro patungong 190.88 metro; Magat Dam mula 184.22 metro patungong 184.75 metro; at Caliraya Dam mula 287.10 metro patungong 287.26 metro.
Samantala, bumaba naman ang lebel ng tubig sa Ipo Dam reservoir mula 101.30 metro ay naging 100.55 metro.
Isa sa mga gate nito ay binuksan para magpakawala ng 0.15 metro ng tubig dahil ito ay may 101.10 metrong spilling level o normal high water level.
Bumaba rin ang lebel ng tubig sa Ambuklao Dam mula 749.19 metro patungong 748.62 metro; maging ang Binga Dam mula 571.96 metro patungong 571.03 metro.
Nitong Lunes, pwersahang nagpakawala ng tubig ang Bustos Dam sa Bulacan sa 1,300 cubic meters per second matapos na lumampas na sa spilling level ang kapasidad nito. RNT/JGC