Home METRO Kelot todas sa suntok!

Kelot todas sa suntok!

143
0

SAN PASCUAL, Batangas- Patay sa panununtok ang isang lalaki sa isang inuman sa Barangay Laurel, sa bayang ito, nitong Biyernes.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Freddie Marasigan.

Nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigang sina Dieto Ortil, Aaron Pol Cabral, at Demetrio Silang nang dumating ang lasing na si Tico.

Nagkaroon ng argumento sa pagitan ng biktima at ng suspek.

Nang suntukin ng suspek sa kanang panga ang biktima, bumagsak agad ito.

Tumakas ang suspek habang dinala ang biktima sa ospital kung saan ito idineklarang patay.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here