Manila, Philippines- It’s not a favorable weather out there for Liza Soberano.
Nakatikim kasi ng sandamakmak na bashing mula sa mga netizens ang Hollywood dream chaser sa pag-unfollow nito sa CarelessPH sa kanyang Instagram.
Ang CarelessPH ay ang record label at management company na itinatag ni James Reid at ng mga business partner nito.
Matatandaang noong tumiwalag si Liza sa managerial wings ni Ogie Diaz kasabay ng pagbitiw niya sa Star Magic ay lumipat siya kay James na tumayong manager niya.
Wala namang malinaw na dahilan sa likod ng pag-unfollow ni Liza sa nasabing kumpanya.
However, Liza and James continue to follow each other on IG.
Dismayado tuloy ang mga netizens with Liza unfollowing CarelessPH.
Worse, she’s being labeled as having no debt of gratitude as in walang utang na loob.
Just last month, naiulat pang busy si Liza sa mga auditions.
May mga nai-book ding projects si James para sa kanya.
In the meantime, other netizens couldn’t care less kung in-unfollow ni Liza ang kumpanyang sumalo sa kanya.
Pasasaan daw ba’t wala nang patutunguhan ang career ni Liza if she doesn’t know how to look back over her shoulder.
As it is now daw kasi ay maituturing na “La Ocean” na ang aktres.