Home NATIONWIDE P281.2M GrandLotto 6/55 jackpot paghahatian ng 2 mananaya

P281.2M GrandLotto 6/55 jackpot paghahatian ng 2 mananaya

152
0

MANILA, Philippines – Instant milyonaryo ang dalawang mananaya ng GrandLotto 6/55 makaraang mahulaan ang winning combination sa katatapos na draw kagabi.

Nahulaan ng dalawang maswerteng mananaya ang kumbinasyon na 31-03-17-47-24-20 na may premyong P281,263,080.00. Nasa 59 indibidwal naman ang nakakuha ng limang kumbinasyon na may premyong P100,000.00.

Wala naman may nakahula sa winning combination ng Lotto 6/42 na 36-29-10-40-30-05 na may premyong P5,940,000.00. Nasa 23 indibidwal naman ang makakakuha ng tig-P24,000.00 makaraang makakuha ng limang numero.

Samantala, tinatayang aabot sa P149.5 milyong ang premyo ng UltraLotto 6/58 at P41.5 milyon naman sa SuperLotto 6/49.

Ang GrandLotto 6/55 ay binobola tuwing araw ng Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Lotto 6/42 ay tuwing araw ng Martes, Huwebes at Sabado. Toto Nabaja

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here