Home NATIONWIDE VP Sara sa House members: ‘Di ako spoiled brat

VP Sara sa House members: ‘Di ako spoiled brat

198
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi siya spoiled brat o nag-iinarte sa deliberasyon ng Kamara sa proposed 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).

Sa panayam, sinabi ni Duterte na nais niyang maunawaan ng mga tao kung bakit hindi siya sumasagot sa mga tanong sa budget hearing.

“Sanay ako na sumagot sa mga tanong sa mga bagay-bagay. Kaya nga nagbibigay ako ng interview kahit hindi siya arranged na interview, mga ambush interview ng media kung saan nakukuha nila yung mga katanungan ng taumbayan. Sanay ako sa ganyan,” ani Duterte.

“At alam ng taumbayan na hindi ako ‘bratinella’ o spoiled brat dahil kilala nila ako simula noong ako ay nasa Davao pa, simula ng ako ay mayor pa hanggang naging Vice President ako. Kilala ako ng taumbayan na hindi ko inaabuso ang aking power and ang aking authority sa lahat ng mga opisina na nahawakan ko. Testigo ko ang buong bayan na hindi ako isang spoiled brat,” dagdag pa niya.

Aniya, posibleng iniisip ng ilang mambabatas na siya ay isang “bratinella” dahil sumagot siya sa paraang hindi nila nagustuhan.

“Sa palagay ko, hindi lang sanay ang iilan na mga miyembro ng House of Representatives na hindi nila makuha ‘yung gusto nila at gusto nilang marinig na sagot. At hindi sanay ‘yung mga iilan na mga representatives natin na sinasagot sila sa kanilang mga patutsada. Kaya sa tingin ko, isa din itong parang atake din nila na parang: “Oh, bratinella ‘yan,” kahit na sumagot naman ako. Hindi nga lang sa gusto nila,” sinabi pa ng Bise Presidente.

Matatandaan na ipinagpaliban ng House committee on appropriations ang deliberasyon ng 2025 budget ng OVP dahil sa hindi pagsagot ni Duterte kung saan nito gagamitin ang kanyang budget. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here