Home METRO ‘Bulok’ na no. 1 most wanted rapist nalambat sa Bulacan

‘Bulok’ na no. 1 most wanted rapist nalambat sa Bulacan

119
0

Bulacan – Arestado ang isang lalaking may mabahong alyas na umanoy numero-unong rapist sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa bayan ng Hagonoy.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek sa alyas Bulok na No. 1 Most Wanted Person (MWP) sa bayan ng Hagonoy.

Sa report, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape ay nahuli ang wanted ng tracker team ng Hagonoy police nitong Setyembre 8.

Sinasabing bukod sa No. 1 MWP sa Hagonoy ay kabilang ito sa No. 6 MWP sa lalawigan ng Bulacan.

Humihimas na ng rehas ang nasabing wanted rapist para pagbayaran umano ang kanyang nagawang kasalanan. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here