STA. ANA, Cagayan – Natagpaun na ang Fishing Boat sa Sta. Ana, Cagayan ngunit ang mga nakasakay na (15) labinlimang mangingisda ay nawawala pa noong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Enteng na naglayag mula sa Dinahican, Infanta, Quezon.
Ayon kay Sub-Station Commander Ens Cyril Mark Lominio ng Coast Guast Sub-Station Sta. Ana, nakita ng may-ari ng banka at mga kawani PCG ang nawawalang FBCA Zshan Fishing Boat sa layong 30 nautical miles mula sa Barangay Patunungan, Sta. Anna, Cagayan.
Posibleng sa malalakas na alon noong kasagsagan ng bagyo ay natangay ang lumubog na bangka mula Infanta, Quezon hanggang sa Sta. Ana, Cagayan kung saan ngayon ay hinila na ang bangka sa Port San Vicente dito sa nasabing bayan.
Nagpadala ang Coast Guard District Northeastern Luzon ng mga divers mula sa Special Operations Group kasama ang Marine Environmental Unit para magsagawa ng under water search sa lugar kung saan natagpuan ang bangka subalit wala silang nakitang mga mangingisda.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang search and rescue operation sa 15 tripulente mangingisda ang lumubog na fishing boat. Rey Velasco