Home ENTERTAINMENT Karylle, inisnab ang lookalike ni Marian!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Karylle, inisnab ang lookalike ni Marian!September 13, 2024 14:311240 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Nakisali pa si Karylle sa Kalokalike segment ng It’s Showtime nang gayahin ng isang contestant si Boy Abunda.Join si Karylle sa kanyang mga cohosts na sina Kim Chiu, Vhong Navarro at Amy Perez habang nakasalang kunwari sa Fast Talk.Ito ‘yung segment na may dalawang bagay na pinagpipilian ang guest.Sadly, hindi totally nakuha ng contestant ang nuances at mannerisms ni Boy although wala rin itong buhok.Hindi rin kasi pareho ang built nito compared to the real Boy Abunda.Pero hindi ‘yon ang mas napansin kundi ang “disappearing act” ni Karylle.Paano ba naman kasi, may contestant na Marian Rivera lookalike.Hindi lingid sa kaalaman ng lahat that Karylle was Dingdong Dantes’ girlfriend way before Marian.Hindi nga tiyak kung nagkaroon ng closure sa relasyong ‘yon.Sa madaling salita, kauna-unawa kung nag-beg off man si Karylle nang sumalang na si “Marian.”Kung matatandaan, “sinadyang” umabsent noon ni Karylle nang mag-promote sina Dingdong at Marian ng kanilang MMFF entry naRewind sa It’s Showtime last year.Siyempre, ‘yun ay para iwasan na ring maging ill at ease si Karylle in their presence and vice versa.Same with the latest Kalokalike edition.Ayon nga sa mga netizens, patunay lang na may class at breeding ang anak ni Zsa Zsa Padilla.Naman! Ronnie Carrasco III