Home NATIONWIDE Imbestigasyon sa pagkamatay ng 3 inmates sa Davao nais buhayin

Imbestigasyon sa pagkamatay ng 3 inmates sa Davao nais buhayin

MANILA, Philippines – Hiniling ng House of Representatives quad-committee sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ng3 Chinese national sa Davao Penal and Prison Farm (DPPF) noong 2016.

Ang aksyon ng Quad Committee ay kasunod na rin ng akusasyon na may kinalaman sa pagkamatay ng mga Chinese nationals na sina Chu Kin Tung, Jackson Lee at Peter Wang si dating PCSO General Manager Royina Garma.

“The NBI should conduct an investigation and get all the pieces of evidence and documents given to this committee so that they can file the necessary charges against those people who should be charged because of this crime,” pahayag ni Antipolo Rep Romeo Acop.

Una nang iniutos ng Quad Committe na tignan ang lahat ng mga tawag at text sa pagitan ng dating pulis na Jimmy Fortaleza at Garma na sinasabing may kinalaman sa pagkamatay ng mga chinese prisoners.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Quad Committee ukol sa extrajudicial killings noong termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay lumantad ang dalawang testigo na sina Leopoldo Tan at Fernando Magdadaro at itinuro si Senior Police Officer (SPO) 4 Arthur Narsolis na syang nag-utos na patayin sa loob ng kulungan ang mga chinese nationals.

Inamin ni Garma na nagkaroon siya ng relasyon kay Narsolis noong 2016.

Sa testimonya ni dating DPPF Head Senior Supt. Gerardo Padilla, inamin nito na mayroon siyang natanggap na order na huwag pakialaman ang operasyon laban sa mga Chinese nationals at mayroon din naging banta sa kanya si Garma na may mangyayari sa pamilya nito kung makikialam sa kaso ng mga nakakulong na Chinese drug lords. Gail Mendoza