Bulacan – Patay ang isang lalaki habang nakataas ang kanyang kasama na nanloob at nangulimbat ng mga gamit sa isang dental clinic sa lungsod Malolos.
Kinilala ng pulisya ang napatay sa alyas Ram habang hindi nakilala ang kasamahan niyang nakatakas.
Sa report na nakarating kay PCOL Satur Ediong, OIC Bulacan police, nangyari ang panloloob bandang alas-3:45 ng hapon nitong Setyembre 13 sa Brgy. Liang.
Ayon sa report, pwersahang pinasok ng dalawang armadong lalaki ang dental clinic hanggang kunin ang dalawang iPhone, Gucci bag na may P2,000 at mabilis na tumakas.
Nabatid na humingi ng saklolo sa pulis ang biktimang 32-anyos na babaeng negosyante, kaya agad rumesponde ang mga awtoridad sa lugar at kumalap ng CCTV footage kaya nakilala ang isa sa mga suspek.
Dahil dito, nagsagawa ng dragnet at follow-up operation ang mga pulis hanggang sa makasagupa nila ang suspek na si alyas Ram na bumulagta kalaunan nang humupa ang mga putok.
Nakatakas naman ang kasamahan nang pwersahang nang-agaw ng motorsiklo patungo sa direksyon ng bayan ng Hagonoy.
Patuloy ang follow-up operation ng mga pulis para mahuli ang armadong suspek. Dick Mirasol III