Home METRO Lalaking dinukot sa bahay natagpuan patay sa damuhan

Lalaking dinukot sa bahay natagpuan patay sa damuhan

170
0

PARI-AN, Cebu-BINAUNAN ng bala ng baril ang leeg ng isang lalaki nang matagpuan ang bangkay nito sa bakanteng lote, iniulat kahapon, Setyembre 14 sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si George Mendoza, 48, at residente ng Sitio Feathers, Barangay Day-as, Parian, Cebu City.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Parian Municipal Police Station, bandang 5:00AM nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote ilang metro ang layo mula sa bahay nito sa nabanggit na lugar.

Kwento ng kinakasama ni Mendoza, Biyernes ng madaling-araw, apat na armadong kalalakihan ang nagtungo sa kanilang bahay at at dinampot ang biktima.

Makalipas ang tatlong oras, nakatanggap na lamang sila ng report mula sa caretaker ng bakanteng lote ang pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima.

Sa pagresponde ng mga pulis sa nasabing lugar, nakita na lamang na naliligo sa sariling dugo ang biktima at may dalawang tama ng bala ng baril sa leeg.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here