MANILA, Philippines – Tatlong bagong kaso ng mpox o monkeypox ang iniulat sa bansa ,na nagdala sa bilang na 18, ayon kay Department of Health (DOH) chief Teodoro Herbosa ngayong Lunes.
Limang kaso ang nakarekover habang 11 kaso ang nanatiling sumasailalim sa home isolation at hindi nakapanghawa ng virus sa iba, sinabi ng DOH.
“Wala silang epidemiological link,” sabi ni Herbosa
Ang maganda rin, ang lahat ng 18 na na-pick up namin as of now, wala pang nahawang iba,” ayon pa sa Health Secretary.
Wala pang naiulat na pagkamatay dahil sa mpox sa ngayon.
Muling idineklara ng World Health Organization ang mpox bilang isang public health emergency of international concern—ang pinakamataas na alerto—matapos ang pagsirit ng kaso sa bansang Africa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)