MANILA, Philippines- Dinala ng mga pulis si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa House of Representatives nitong Huwebes ng umaga upang humarap sa quad committee hearings sa Philippine Offshore Gaming Operators.
Ito ang unang pagkakataon na haharapin ni Guo ang special four-way panel, na nag-iimbestiga ng fraud, illegal drugs, extrajudicial killings at money laundering operations sa bansa.
Nauna nang inaprubahan ng Valenzuela regional trial court ang pagdalo ni Guo sa quad committee inquiry.
Itinanggi ni Guo, nahaharap sa human trafficking, graft at money laundering charges, ang pagkakasangkot sa Chinese-run online gambling center kung saan daan-daang indibidwal ang sapilitang pinagtrabaho para magsagawa ng scams.
Nadakip siya sa Indonesia nitong buwan matapos umalis ng Pilipinas nang hindi dumaraan sa immigration checks. RNT/SA