Home ENTERTAINMENT “BF” ni Bea, dine-date si Catriona!

“BF” ni Bea, dine-date si Catriona!

155
0

Manila, Philippines – Official na raw na split na sina Catriona Gray at Sam Milby.

Ito’y ayon na rin sa ibinalita ni Ogie Diaz sa kanilang Ichika Mo Na Dali! online program.

May bago na raw kasing idine-date ang Miss Universe 2018.

Ito’y sa katauhan ni Michael Needham na na-link kamakailan kay Bea Alonzo, na ang kampo rin ni Ogie ang nagbalita.

Feeling nina Ogie, posibleng hindi nag-blossom ang kung anuman stood in between Bea and Michael.

But in fairness to the guy, bukod sa guwapo na’y mabait pa raw ito.

Ma-PR din daw ito, na tiyak mabibighani ang sinumang babae.

Ngayon, balitang may mga public sightings na kina Catriona at Michael.

In fact–dagdag pa ng show nina Ogie–si Michael raw ang kasama ni Catriona sa London sa biyahe nito kamakailan with her parents.

For now, ayaw pa munang kumpirmahin nina Ogie kung si Michael na nga ang ipinalit ni

Catriona kay Sam.

Pero wala ba kayong napapansin sa mga nali-liknk kay Michael na sina Bea at Catriona?

Coincidence lang kaya na parehong engaged na sa kanilang mga respective past boyfriends sina Bea at Catriona, pero walang kasalang naganap?

Si Bea kay Dominique Roque at si Catriona kay Sam? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here