Home NATIONWIDE Pinas babayuhin pa ng 4 ‘gang 7 bagyo sa 2024

Pinas babayuhin pa ng 4 ‘gang 7 bagyo sa 2024

186
0

MANILA, Philippines – Nasa apat hanggang pitong tropical cyclones ang papasok sa Philippine Area of ​​Responsibility (PAR) sa huling tatlong buwan ng 2024, sinabi ng state weather bureau PAGASA nitong Martes.

Ang bilang ng mga tropical cyclone na inaasahan sa pagitan ng Oktubre at Disyembre ay ang mga sumusunod:

Oktubre: 2 hanggang 3
Nobyembre: 1 o 2
Disyembre: 1 o 2

Siyam na tropical cyclone ang nabuo sa loob o pumasok sa PAR ngayong taon.

Karaniwang binabagtas ng mga tropikal na bagyo ang alinman sa Luzon o Visayas sa pagitan ng Oktubre at Disyembre, sinabi ni PAGASA weather specialist Joanne Mae Adelino sa isang pulong balitaan sa Quezon City.

Sinabi rin ng PAGASA na mayroong 71% na posibilidad na sa pagitan ng Setyembre at Nobyembre, ang La Niña—na nauugnay sa mas malalakas na tropical cyclone at above-average na pag-ulan—ay bubuo. Ang La Niña ay tinatayang tatagal hanggang sa unang quarter ng 2025.

Mula Enero hanggang Marso 2025, aabot sa tatlong tropical cyclone ang maaaring mabuo sa loob o pumasok sa PAR, sabi ng PAGASA. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here