Home ENTERTAINMENT Anunsyo nina Kobe at Kyline, inaabangan!

Anunsyo nina Kobe at Kyline, inaabangan!

154
0

Manila, Philippines- Naintriga ang mga fans nina Kyline Alcantara at Kobe Paras sa nakatakdang announcement na idineklara nila kahapon, September 24.

Ito ang kapwa nila ipinost alerting their fans tungkol sa isisiwalat nila ngayong Miyerkoles, September 25.

Ito ang caption ng kanilang mga ipinost na larawan sa Instagram.

Kyline posted their photo with Kobe facing her habang ang kaliwang kamay nito’y nakahawak sa kanyang bewang.

Post niya: “Together with him. Special announcement. 9.25.24.”

Nag-post din ng ibang larawan si Kobe, this time naka-backhug si Kyline.

Caption ni Kobe: “Save the date. Special reveal. 9.25.24.”

In both photos, kapwa nakapostura sina Kyline at Kobe.

The first netizen to comment ay nag-speculate kung ano ang “special announcement” na ‘yon.

May kinalaman daw ba ‘yon sa kalagayan ni Kyline na buntis na?

Still another puzzled netizen asked kung para saan ‘yon–tungkol daw ba ‘yon sa proyektong pagsasamahan nila o pag-amin na ng kanilang relasyon?

Maging ang ina ni Kobe na si Jackie Foster ay nag-comment na rin: “What’s the meaning of this?”

Ayaw ring paawat ang kapatid ni Kobe na si Andrè, na nanghula rin at ikinunek pa sa “suit and tie.”

In short, hindi na raw makapaghintay ang ibang netizens kung ano ang special reveal na ‘yon.

Kung pagsasamahang project, there’s one in China which Kyline and Kobe are working on.

Ipinagpasalamat nga ni Kyline na nakasama niya roon si Kobe, saying there’s so much to explore.

On Kyline’s possible condition ay isang netizen ang sumagot para sa kanya–malabo raw na buntis ang Kapuso actress.

Kung anuman ‘yon, abangan ngayong araw! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here