Home NATIONWIDE Pagpasa ng waste-to-energy bill target ni PBBM vs pagbaha

Pagpasa ng waste-to-energy bill target ni PBBM vs pagbaha

MANILA, Philippines – HANGAD ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Miyerkules, ang agarang pagpapasa ng “Waste-to-Energy Bill” para tugunan ang problema sa pagbaha sa bansa.

“We have to look at it in a more urgent sense because it really becomes such an important part of the flood control program,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isinagawang 6th Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) full meeting sa Palasyo ng Malakanyang.

Ang Waste-to-Energy Bill ay inaprubahan sa ikatlong pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Nananatili itong nakabinbin para sa ikalawang pagdinig sa Senado.

Habang isinasagawa ang LEDAC meeting, tinukoy ng Pangulo ang pangangailangan na muling tingnan ang panukalang batas, ang waste-to-energy measure ay isang mahalagang usapin sa flood control “because the garbage problem is actually severe.”

Winika ng Pangulo na ang waste-to-energy projects ay nakabawas din ng 40% sa pagbaha.

“It has to be implemented at the local government level, ” ayon sa Pangulo.

“I think waste-to-energy now has taken on a new role. It is no longer just for garbage, or waste disposal or waste management. It is also now very much part of the flood control effort,” dagdag na wika pa ng Pangulo.

Samantala, pinangunahan naman nina Senate President Chiz Escudero at Speaker Martin Romualdez ang iba pang opisyal sa isinagawang 6th LEDAC meeting kasama ang iba pang Cabinet members. Kris Jose