Home ENTERTAINMENT Paul, pinatawad na ang nang-scam!

Paul, pinatawad na ang nang-scam!

167
0

Manila, Philippines- Ayon sa Kapuso actor na si Paul Salas, napatawad na raw ng kanyang pamilya at ng dyowang si Mikee Quintos ang nang-scam sa kanila.

Nalulungkot lang daw siya na ang nanloko sa kanila ay malapit na kaibigan ng kanilang pamilya.

Gayunpaman, kasalukuyang nililitis pa raw ang kasong estafa na isinampa nila na may kaugnayan sa cryptocurrency investment nila sa mga nangbiktima sa kanila.

Sa Fast Talk naman, inamin ng aktor ang laki ng positive influence ng nobya sa kanya.

Aminado siyang ang aktres daw ang nagpatino sa kanya.

Sa tsikahan nila ng King of Talk na si Boy Abunda, hindi rin niya ikinaila na minsan ay may pinagsabay siyang dalawang bebot noon.

Minsan na rin daw siyang binasted ng isang artistang pinormahan niya pero di niya pinangalanan.

Pagdating naman sa kanyang karera, pinu-push daw siya ng uncle niyang si Dingdong Dantes na i-test ang kanyang limits bilang actor.

Katunayan, naging inspirasyon daw ang Kapuso Primetime King para mag-try siya ng out-of-the box roles.

Si Paul ay kasama sa cast ng upcoming seryeng “Shining Inheritance” sa GMA-7. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here