MANILA, Philippines – Nag-aalok ang Intramuros Administration ng libreng entrance fee sa ilang makasaysayang landmark sa loob ng walled-city bilang pagdiriwang ng World Tourism Day ngayong Biyernes.
Ayon sa isang advisory noong Huwebes, ang mga sumusunod na landmark ay magkakaroon ng libreng entrance fee sa mga sumusunod na oras:
-Fort Santiago – 8 a.m. hanggang 12 p.m.
-Baluarte San Diego – 8 a.m. hanggang 12 p.m.
-Museo ng Casa Manila – 9 a.m. hanggang 12 p.m.
-Museo de Intramuro -: 9 a.m. hanggang 12 p.m.
Ang mga interesadong bisita ay kailangan lamang bumoto para sa Intramuros, na kasalukuyang hinirang bilang World’s Leading Tourist Attraction, sa https://www.worldtravelawards.com/vote at ipakita ang screenshot sa pasukan ng site.
Nauna nang nanalo ang Intramuros sa World’s Leading Tourist Attraction noong 2020, at ginawaran din bilang Asia’s Leading Tourist Attraction noong 2016, 2020, 2022, at 2024. RNT