Home NATIONWIDE Sheila Guo ide-deport pagkatapos ng mga kaso sa Pinas – BI

Sheila Guo ide-deport pagkatapos ng mga kaso sa Pinas – BI

139
0
Guwardiyado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Shiela Leal Guo, kapatid ng sinibak na alkalde ng Bamban, Tarlac; at Cassandra Li Ong na umano'y kasosyo nila sa negosyo, nang ilipat sila sa kustodiya ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nag-isyu ng arrest order laban sa kanila. CESAR MORALES

IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na maaari lamang nilang maipa-deport si Sheila Guo, kapatid ng na-dismiss na Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, sa oras na matapos maresolba ang lahat ng mga legal na kaso laban sa kanya sa lokal na korte.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval sa ginanap na Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, ang deportasyon aniya ang huling hakbang na ipapatupad makaraang maipatupad ang hustisya sa loob ng bansa.

Si Sheila ay kasalukuyang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI), bagama’t nananatili ang legal custody ng BI. Mananatili siya sa NBI hanggang sa matugunan ang kanyang mga lokal na kaso, pagkatapos ay maaari siyang ilipat sa BI detention center sa Bicutan.

Samantala, naaresto naman ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit (FSU) ang isang 37-anyos na Chinese national na wanted dahil sa kidnapping sa isang enforcement operation sa Parañaque City noong Setyembre 23.

Nadakip ang suspek na kinilalang si Hu Yang sa Brgy. Tambo, Parañaque City koordinasyon sa mga awtoridad ng China at Parañaque City Police.

Nabatid sa BI na si Hu, alyas Lin Zihao, ay idineklarang pugante dahil sa pinaghahanap ng Public Security Bureau ng Jinjiang City sa China para sa kidnapping.

Miyembro umano ng kidnapping syndicate ang suspek na kilala sa pagpapahirap at pagpatay sa kanilang mga biktima. Ilan sa kanyang mga kasabwat ay naaresto noong unang bahagi ng taon ng BI sa Metro Manila at Pampanga.

“His arrest is a significant step in our ongoing efforts to apprehend foreign criminals hiding in the Philippines,” ani BI OIC Commissioner Joel Anthony Viado.

“We will continue to work with our counterparts abroad to ensure that those who break the law are held accountable,” dagdag pa ng opisyal.

Ayon sa mga awtoridad ng China, ang pasaporte ni Hu Yang ay binawi na habang sinabi naman ng BI Chief na mananatili si Hu sa kustodiya ng lokal na pulisya habang nahaharap sa lokal na kaso sa Pilipinas. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here