Manila, Philippines- Kilala ang jowa ni Rhian Ramos at representative ng Tutok to Win Partylist na may koleksyon ng mga luxury cars.
Of late, marami ang nagulat dahil isa isa na niyang binebenta ito.
Pero nitong huli, literal na napanganga ang karamihan dahil sampung luxury cars ang sabay sabay na idine-despose ni SV.
Ilan sa mga luxury cars na ino-auction ni Cong. Sam ay ang Rolls Royce, na binili raw niya noon because as you grow older, you want to have some sense of sophistication.
“We wanted a classier sporty car,” sabi pa niya.
Usually, ang RR has four doors pero ang ino-auction ni SV is a two door.
“My personal fave,” sabi pa niya.
Kung hindi kami nagkakamali ay pumapalo ng P22M ang benta niya rito.
Ang isa pa sa mga ino-auction ay ang kanyang green Lamborghini, V 12 engine.
Binuksan pa ni SV ang mga pintuan at sinubukan niya itong sakyan.
May Ferrari, Bentley,at iba pa na in-auction si SV nang sanay sabay at ang goal niya rito ay ang makaipon ng P200M para makapagpatayo siya ng ospital at dialysis center para sa mga taga-Manila.
Tinawag niyang Driven to Heal ang kanyang project na pagbebenta ng luxury cars upang itulong sa tao.
“Nu’ng isang araw, nag-ground breaking na ang Sampaloc dialysis center
“The true purpose of help is to help others at ‘yan ang ginagawa natin ngayon.
“Marami kasi ang lumalapit sa akin and sinasabi, ‘Sam penge ng pampa-ospital.’
“Sa auction natin noon, nagkaroon ito ng resulta at marami nang umiikot na SV mobile clinics. Umiikot ‘yan sa buong Manilaupang maihatid ang serbisyo sa kababayan pero kulang pa rin dahil hindi lahat naseserbisyuhan,” sabi pa niya.
And that might be the main reason kung bakit kailangan pa niyang lumikom ng maraming pondo para maibigay ang pangangailangan ng kanyang kababayan. JP Ignacio