MANILA, Philippines – Zero crime rate ang dalawang araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa buong bansa, ayon sa Commission on Elections (Comelec)
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia sa press briefing pagkatapos ng maghapon na COC filing, ito ay base sa ulat na ibinigay ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP).
Aniya walang anumang report na nagkaroon ng problema sa kahit sa anong filing venues o sites ng Commission on Elections.
“Nagpapasalamat tayo sapagkat tahimik sa naging filing ng Certificate of Candidacies sa buong Pilipinas.”
Samantala, binanggit din ni Garcia na walang naghain ng kandidatura kahit isa sa Batanes noong Martes ngunit kahapon, Oktubre 2 ay mayroon lamang dalawa.
Sa dalawang ito, isa ay para sa vice mayor at isa para sa member ng Sangguniang Panlalawigan.
Gayundin sa Saranggani na wala rin aniyang nag-file kahit isa noong unang araw ng COC filing. Jocelyn Tabangcura-Domenden