Home OPINION ISRAEL VS IRAN WAR: MGA OFW PAANO?

ISRAEL VS IRAN WAR: MGA OFW PAANO?

234
0

HABANG tinitipa ito, katatapos lang ang pagpapakawala ng Iran ng nasa 200 missile laban sa Israel.

Pangunahing tinarget ng mga ito ang mga airbase ng mga eroplanong pandigma Israel sa Nevatim, Hazterim and Tel Nof; tangkeng pandigma sa Netzrim na malapit sa Gaza; at pwesto ng mga langis sa Ashkelon City.

Kasama sa tinamaan ang Tel Aviv na kapital ng Israel, Jerusalem at Haifa.

Sinabi ng Iran na ganti nila ang atake sa pagpatay ng Israel kay Ismael Haniyeh, pinuno ng Hezbollah, mismo sa Tehran, Iran ilang buwan na ang nakararaan at kina Hezbollah leader Hassan Nasrallah at General Abbas Nilforoushan, komander ng Qud force ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran, sa Beirut, Lebanon ilang araw lamang ang nakararaan.

Dahil sa pag-atake na ginawa sa kalagitnaan ng gabi, milyon-milyong Israel at dayuhang nakatira rito ang pinagbakwit patungo sa mga ginawang taguan sa Israel.

Sa ulat naman ng paremedics, may isang Palestino ang namatay habang dalawa ng nasugatan.

Habang tinitipa ito, wala pa gaanong sinasabing tunay na bilang ng mga biktima, buhay man o patay.

Inaasahang magkakaroon ng karagdagang ulat ukol sa mga taong natamaan o nasaktan habang lumilipas ang mga oras dahil hindi lahat ng missile na pinakawalang ng Iran ay napabagsak ng Israel sa ere.

May mga nakalusot at tumama mismo sa kalupaan ng Israel.

LEBANON, IRAN AT ISRAEL DELIKADO

Batay sa nangyaring pagpapakawala ng mga missile ng Iran, hindi na lang Lebanon at Israel ang nasa delikadong kalagayan kundi maging ang Iran.

Ito’y dahil gaganti at gaganti umano ang Israel sa ginawa ng Iran, bagama’t hindi pa malaman kung kailan at paano.

Kapag nangyari ito, tiyak na lalawak at babangis ang giyera, lalo’t nakikilahok na rin ang England at United States sa giyera.

Sa pangyayaring pagpapakawala lang ng Iran ng missiles, inamin mismo ng US at England na tumulong sila sa pagtarget sa mga missile ng Iran.

Paano kung magsimula nang umatake ang Israel sa Iran, na kasama sa mga target nito ang mga nuclear plant?

Nakaaalarma rin ang paghahanda na ng Jordan ng lahat ng pwersa militar nito bagama’t sinasabing kakampi ito ng US.

Wala ring nakatitiyak sa gagawin ng Saudi Arabia dahil may mga missile ng Iran na tumawid sa kalangitang teritoryo nito.

Maging ang Iraq na malapit lang sa ilang lugar na pinagpakawalan ng Iran ng missile, wala ring nakatitiyak kung ano ang gagawin nito.

MGA OFW PAANO

Libo-libo nang Amerikano at British, gayundin ang ibang mga mamamayan ng 18 bansa ang gustong lumayas sa Lebanon ngayong nagsimula nang pumasok ang mga Israelita sa lupain nito.

Lalong pinaglagablab ang sitwasyon sa Lebanon ng pangmi-missile ng Iran sa Israel.

Tumutugon ang US, Britain at iba pa sa panawagan para sa pagbabakwit ng kani-kanilang mga mamamayan sa Lebanon.

Ang pamahalaan natin, hanggang saan na ang mga pagkilos nito para sa pagbabakwit?

Ngayong napatunayan na ang kakayahan ng Iran na mambomba kahit sa anong parte ng Israel, dapat isama na ng ating pamahalaan sa evacuation program para sa mga nakatira sa Israel, Iran at Iraq.

Aba, kilos na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here