Home NATIONWIDE DOH nagpaalala sa banta sa kalusugan ng phreatic explosion ng Taal

DOH nagpaalala sa banta sa kalusugan ng phreatic explosion ng Taal

149
0
Larawan kuha ni Margie Bautista

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) kaugnay sa aktibong phreatic activity sa Bulkang Taal.

Kasabay nito, pinag-iingat ang publiko ng DOH at DOST-PHIVOLCS kaugnay sa mga galaw ng Bulkang Taal sa mga nakalipas na araw.

Naging maulap ang kalangitan sa taas ng bulkan dahil sa singaw na usok nito habang napanatili nito ang Alert Level 1 status.

Ayon sa DOH, ang mahina ngunit aktibong phreatic activity ay sanhi ng patuloy na paglabas ng mainit na volcanic gas mula sa pangunahing bunganga ng bulkan.

Larawan kuha ni Margie Bautista

Sa kasalukuyang antas ng mga pagyanig sa bulkan at paggalaw ng lupa, hindi nawawala ang posibilidad na magtuloy ito sa magmatic eruption kung kaya’t pinag-iingat ang lahat partikular na ang mga nasa Permanent Danger Zone (PDZ) ng Taal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here