Home METRO Pasok sa mga pampublikong iskul sa Maynila suspendido sa Okt. 4 para...

Pasok sa mga pampublikong iskul sa Maynila suspendido sa Okt. 4 para sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day

198
0

MANILA, Philippines- Idineklara ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang suspensiyon ng mga klase sa lahat ng pampublikong daycare center, elementarya, at high school level sa lungsod, gayundin ang mga klase sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UDM) sa Biyernes, Oktubre 4, bilang pagdiriwang ng National at World Teachers’ Day.

Nilagdaan ni Mayor Lacuna ang Executive Order No. 33 nitong Oktubre 3 upang bigyang pagkilala ang pagsisikap ng mga guro sa pampublikong paaralan sa lungsod at mabigyan sila ng wellness day.

Nabatid kay Lacuna na hiniling nila na bigyan ng mga guro ng mga activity sheet o module ang kanilang mga estudyante para sa nilalayong aralin sa araw na iyon.

Hinikayat naman ng alkalde ang mga pribadong paaralan, kolehiyo, at unibersidad, gayundin ang mga state college at unibersidad sa Maynila na bigyan ng parehong karangalan ang kanilang mga guro. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here