MANILA, Philippines- Bibisita si South Korean President Yoon Suk Yeol sa Pilipinas sa susunod na linggo bilang tugon sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr.
Sasalubungin ni Marcos at ni First Lady Louise ”Liza” Araneta-Marcos ang South Korean president at si First Lady Kim Keon Hee sa Oktubre 7. Kasado ang state visit hanggang Oktubre 8, base sa Presidential Communications Office nitong Huwebes.
Nakatakdang magsagawa ang dalawang pinuno ng bilateral meeting upang talakayin ang areas of mutual interest tulad ng kooperasyon sa political, security at defense, maritime, economic, at development fields, people-to-people ties, at labor at consular matters.
Inaasahan ding tatalakayin nila ang regional at international issues upang pagtibayin ang relasyon ng dalawang bansa.
Kasabay ang pagbisita ng 75th anniversary ng pagkakatatag ng diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at ng South Korea. Kris Jose