Home ENTERTAINMENT Sarah, dawit sa Angelica-Carlos isyu!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sarah, dawit sa Angelica-Carlos isyu!October 3, 2024 15:191430 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Nakuhang gawan ng kuneksyon ng mga netizens ang magkahiwalay na kaso nina Sarah Geronimo at Carlos Yulo.In particular, ang nakaka-relate much ay ang mga netizens na kontra sa pakikitungo ng two-time Olympic gold medalist sa ina nitong si Angelica.‘Di hamak na mas marami ang bilang ng mga kampi kay Angelica while Carlos is being pictured as being an ungrateful son.This is where the Popstar Royalty comes into the picture.Hindi lingid sa kaalaman na hanggang ngayon ay “strained” ang relasyon ni Sarah at ng kanyang mga magulang most especially her mom.Nagsimula naman ‘yon when Sarah’s mom had begrudged the singer-actress nang ikasal ito kay Matteo Guidicelli.Hindi nga ba’t ikinasama ng loob ng ina noong hindi siya imbitahan sa kasal ng kanyang anak?Obyus naman ang pagsisisi ni Sarah dahil makallang beses niyang tinangkang mag-reach out sa kanyang estranged parents.But to no avail.Yet sa kabila ng patuloy na pandededma ng Geronimo couple sa anak, ni minsan ay wala tayong narinig na masamang sinabi ni Sarah laban sa mga ito.Hindi rin naringgan ng panunumbat si Sarah, basta quiet lang siya.For all the many successes she’s basking in ay lagi pa rin niyang ina-acknowledge ang kanyang mga magulang.Without them nga naman, Sarah would not have been the popular Sarah Geronimo that she is today.Ang pag-ugali raw na ito ni Sarah ang siyang dapat maging peg ni Carlos toward his parents.Of late nga’y hindi na rin nakatiis ang beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa sa pambabarag kay Carlos.Tinawag pa nga ni Oro (tawag sa aktres) na tanga si Carlos who does not realize that the cells in his body are Angelica’s.Bagama’t marami ang sang-ayon kay Oro, may ilan din ang nagsasabing hindi ito dapat nanghuhusga as she may not be aware of the whole story.Samantala, inuurot si Boy Abunda kung kailan niya ipi-feature sa kanyang Sunday show na My Mother, My Story si Carlos.This after sumalang ang pole vaulter na si EJ Obiena sa naturang show nitong nakaraang linggo.Ani Boy, bagama’t nasusubaybayan niya ang itinatakbo ng isyu involving Carlos ay gusto pa niyang mangalap ng karagdagang impormasyon.May impresyon kasi ang mga netizens na malabong i-guest ni Boy si Carlos dahil kilalang maka-ina ang TV host.Paglilinaw ni Boy, ayaw rin daw niyang maging biased when presenting Carlos’ story to the public. Ronnie Carrasco III