Home NATIONWIDE Mas maraming ambulansya sa LGUs target ni PBBM

Mas maraming ambulansya sa LGUs target ni PBBM

131
0

MANILA, Philippines- Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na madaragdagan ang mga ambulansya na maibibigay ng pamahalaan sa bawat bayan at munisipalidad sa bawat local government unit sa iba’t ibang bahagi ng bansa bago pa matapos ang kanyang termino.

”Titiyakin namin na bawat bayan, bawat municipality, bawat LGU, ay magkakaroon ng ambulansya. Hindi na po kagaya ng dati na makikiusap ka pa, lalapit ka pa kung kani-kanino, kung medyo di kayo magkaibigan baka di makalusot ‘yung request niyo, ngayon di na po ganoon,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.

”Basta’t kung sino po — basta’t kung sino ang nangangailangan ng ambulansya ay bibigyan na po natin. At sabi niyo mayaman itong PCSO baka pwede pang gawin bago po matapos ang termino ko, baka gawing dalawang ambulansya ang bawat bayan at LGU,” dagdag na wika nito.

Nauna rito, dinala ng First Couple ang ”Libreng Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat” o ”LAB for ALL” caravan sa Pasig City.

Sinasabing inisyatiba ng Unang Ginang, ang LAB for ALL caravan ay isang flagship outreach program na nag-aalok ng mga health services gaya ng free consultation, free medicines at basic laboratory tests na gagawin sa Bagong Pilipinas Mobile Clinics.

Sa kabilang dako, nakabisita na ang caravan sa 29 na alokasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula May 2023 hanggang June 26 2024.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang “LAB for ALL” project ang magtutulay sa gap sa healthcare system sa Pilipinas, lalo na sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs), o sa mga malalayong lugar. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here