Home NATIONWIDE Single period of confinement policy kinalos na ng PhilHealth

Single period of confinement policy kinalos na ng PhilHealth

226
0

MANILA, Philippines- Kinalos ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang single period confinement policy kung saan ang mga benepisyaryo ay maaari lang masaklaw nang isang beses para sa parehong sakit sa loob ng 90 araw.

Sinabi ni PhilHealth Senior VP and spokesperson Israel Francis Pargas na ang polisiya ay ibinasura simula Oktubre 1.

Ayon pa sa opisyal, tinanggihan ng PhilHealth ang pagsakop sa 1,700 pasyente ng pneumonia noong 2023 matapos silang ma-admit muli para sa parehong sakit sa loob ng 90 araw.

Ang tatlong nangungunang sakit  ng pagkakaospital ng mga pasyente ay pneumonia, acute gastroenteritis at urinary tract infection.

Ang Hemodialysis at chemotherapy patients ay exempted sa single confinement policy bago pa man ito ibasura.

Sinabi ni Pargas na magpapatupad ang PhilHealth ng control measures upang matiyak ang kalidad ng pangangalaga para sa mga pasyente at maiwasan ang pag-abuso sa readmission policy.

Sakop ng hangang P32,000 ang mga pasyente na mayroong mild to moderate na uri ng pneumonia habang ang severe pneumonia ay sakop ng hanggang P90,000. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here