MANILA, Philippines- Sinuportahan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang plano ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tanggalin ang transfer fee sa ilang digital payments sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Sinabi ni Escudero na napapanhon na alisin ang service fees sa ilang electronic fund transfers na matagal nang dapat ginawa.
Naunang inihayag ng BSP na nakatakda nitong tanggalin ang ipinapataw na transfer fee sa anumang transaksyon at pagbabayad ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
“I could only hope that the thresholds will be higher and the coverage wider, to benefit more consumers, and expand further the user base of digital payments,” ayon kay Escudero.
Aniya, kahit binabalewala ng ilan ang halaga ng transaction fee sa bawat fund transfer, pero kung susumahin, kahit isang taon lamang, maaaring malaki ang malilikom.
Base sa ilang reports, sinabi ni Escudero na sinisingil ang individual transaction ng isang kompanya na aabot sa P75 habang pumapalo naman sa P600 ang iba.
“Parang alkyansiya ‘yan. Maaring barya-barya lang ang naihuhulog pero ‘di mo namamalayan na ang laki na pala ng ipon,” aniya.
Dulot na mabilis na paglago ng paggamit ng digital payments at electronic fund transfers, kailangang sumabay ang bago at angkop na regulasyon sa bilis.
“Hindi pupuwedeng maiiwan sila,” pahayag ni Escudero.
Lumobo sa 53% ang bahagi ng digital payment sa kabuuang retail payment transaction sa bansa, na nalampasa pa ang inaasahan ng BSP.
“Ang bilang ng monthly transactions ng mga bagay na pinamili ay mahigit-kumulang na 2.6 bilyon sa taong 2023. Ibig sabihin ay nasa 3.6 milyon na transactions ang nangyayari bawat oras. ‘Yan ang snapshot ng migration natin toward digital payments,” wika ng senador.
Sinabi ni Escudero na solido at hindi matatawaran ang lohika sa likod ng panawagan na walang bayad ang person-to-person digital money transfers para sa personal, family, o household purposes.
“Kung ang paggamit ng electronic money channels ay resonable sa dalas at halaga ng perang pinapadala, dapat zero na talaga ‘yan,” paliwanag ng senador.
“It is on the same vein that zero fees must be imposed on digital payments to small businesses,” dagdag pa niya.
“If we want to build our economy from the ground up, this is where these firms are, grassroots and community entrepreneurs, whose cost of doing business will be reduced with the move to zero fees on digital payments,” giit ng lider ng Senado.
“Above all, this is the kind of incentive that will not cost the government a single centavo,” paliwanag pa niya. Ernie REyes