Home METRO Kelot binaril ng lalaking sinisingil sa utang

Kelot binaril ng lalaking sinisingil sa utang

95
0

PANGASINAN- Nasa ospital ngayon ang isang 42-anyos na lalaki matapos na mabaril nang maningil ng pautang sa bayan ng Villasis ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Ayon sa pulisya, ang biktima at ang 38-anyos na suspek ay parehong residente ng naturang bayan.

Sa imbestigasyon, ang biktima ay nagpunta sa bahay ng suspek para singilin ang utang nitong P2,000.

Habang nag-uusap ang dalawa ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan hanggang sa barilin ng suspek ang biktima.

Tinamaan sa kaliwang hita ang biktima na agad na tumakbo sa kamaisan para magtago.

Matapos barilin ang biktima, agad namang tumakas ang suspek na at-large pa rin hanggang ngayon. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here