Humarap at nagsalita na si Shiela Guo, kapatid ng dismissed mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo sa pagdinig ng Senado nitong Martes, Agosto 27. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Isinalang sa clarificatory conference sa Board of Board of Special Inquiry ng Bureau of Immigration (BI) ang kapatid ni dating Bamban Mayor Alice Guo na si Zhang Mier o Sheila Leal Guo.
Si Sheila Le Guo ay ineskortan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan nakasuot ito ng life vest sa kanyang pagharap sa pagdinig.
Sa nasabing pagdinig, sinabi ni Bureau of Special Inquiry Chairman Atty. Gilbert Repizo, iniharap si Sheila Guo dahil may gusto silang linawin sa ilang mga usapin at sa kanyang kaso
Isa rito ang kanyang pasaporte kung saan pinatayo si Sheila sa tabi ng malaking screen kung saan ipinapakita naman ang dalawang passport na may magkaibang pangalan nito para makita ang features at makumapara sa larawan sa pasaporte.
Inalam din sa pagdinig ng board kung may mga kinakaharap pang kaso si Sheila sa labas ng BI.
Kinumpirma naman ng kanyang abogado ang pagkakaroon ng mga kaso ng disobedience to summons at New Passport Act sa harap ng Pasay RTC.
Sinabi ng BI na summary in nature ang pagdinig at kailangan lamang ng substantial evidence para patunayan kung nilabag niya ang batas ng imigrasyon at kung mapatunayan ay ipapatapon siya.
Ang kaso ay isusumite para sa desisyon kapag ang lahat ng partido ay nagpakita ng mga argumento bilang suporta sa kani-kanilang mga posisyon.
Sinabi pa ni Atty. Repizo, na binigyan nila ang both party na magsumite ng kani-kanilang mga memorandum sa loob ng pitong araw at maglalabas sila ng rekomendasyon sa loob ng 15 araw.
“This is a strong signal for all sa mga nagloloko. Ngayon mananagot na sila sa batas,” mariing pahayag ni Atty. Repizo.
Sinabi rin ni Atty. Howard Santos ng BI na isinagawa ang imbestigasyon na nakatutok sa deportasyon.
Matatandaang naaresto ng mga awtoridad si Sheila sa Indonesia kung saan may nakuhang Philippine passport at Chinese passport na Ang nakalagay na pangalan ay Zhang Mier.
Sa inisyal na imbestigasyon ng NBI si Shiela at chinese na si Zhang Mier ay iisang tao lamang.
May nakapending rin na reklamo sa kanya sa Department of Justice dahil sa anti money laundering.
Dumalo rin sa pagdinig ang mga kinatawan ng Philippine Statistics Office (PSA) at Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan nalaman ni Repizo na mayroon pa lang 1,800 na posibleng pekeng Filipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden