Home METRO Tricycle sinalpok, kinaladkad ng pickup truck; bebot nasawi

Tricycle sinalpok, kinaladkad ng pickup truck; bebot nasawi

157
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang babae habang sugatan ang apat iba pa matapos na salpukin at kaladkarin ng isang pick-up truck ang sinasakyan nitong tricycle sa General Santos City.

Ayon sa ulat, hindi tumigil ang pickup truck matapos ang insidente sa Barangay Labangal at iniwan pa ang mga biktima.

Sinabi ni Traffic Enforcement Unit ng General Santos City Police Office (TEU-GSCPO), na magkakamag-anak ang mga sakay ng tricycle na papunta sana sa Surallah, South Cotabato.

Nakuhanan pa sa CCTV ang pagdaan ng sasakyan.

“Pagdating doon sa may gilid ng highway daw nag-stop muna sila doon. So pag mag-start na sila, paalis sila it so happen na may approaching yung pick -up, yun nabangga sila,” pagbabahagi ni TEU GSCPO Chief, Major Oliver Pauya sa panayam ng GMA News.

“Sad to say na drag na pa niya, instead na mag-stop siya dahil nakabangga siya agad namang sumibat. Na-drag yung sidewheel kaya separated yung side wheel at sa saka yung motorcycle,” dagdag pa niya.

Sumuko ang suspek nang matunton ng pulisya ang tirahan nito sa Polomolok, South Cotabato.

Hinala ng mga awtoridad, nakainom ang drayber nang mangyari ang insidente.

Sa kabila nito, walang plano ang mga biktima na magsampa ng kaso laban sa drayber matapos na magkaharap ang dalawang panig.

“So dito tinawag naman natin ang pamilya, pinaharap sila, yung pamilya kasi grabe yung convince namin sa kanila na mag-file ng kaso pero ayaw talaga,” sinabi ni Pauya.

Nangako ang drayber na magbabayad ng danyos sa mga biktima.

Bagamat may kasunduan, desidido ang pulisya na kasuhan pa rin ang drayber dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa mga biktima.

“Yung move naman namin na magpa-file kami ng revocation of license kasama yung incident report namin kasi pangit kasi nakabangga ka dapat tulungan mo yung nabanggaan mo ‘wag mong hayaan doon na helpless sa gilid ng kalsada,” pagtatapos ni Pauya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here