MANILA, Philippines- Naresolba ng Department of Health ang apat na reklamo ng “Palit Ulo” na nangyari umano sa isang pribadong ospital sa Valenzuela City.
Sa isang release nitong Biyernes, sinabi ng DOH Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) na ang mga reklamo ay laban sa ACE Medical Center Valenzuela at may kinalaman sa iba’t ibang pangyayari ngunit may karaniwang alegasyon– na pinigil ng ospital ang mga kamag-anak ng mga pasyente hanggang sa hindi pa nababayaran ang mga natitirang bayarin sa medikal.
Napatunayan ng DOH-Health Facilities and Services Regulatory Bureau (HFSRB) na walang kasalanan ang ACE Medical Center Valenzuela sa dalawang reklamo sa umano’y pagkulong – Alvaro laban sa ACE Medical Center Valenzuela, at Magtangob laban sa ACE Medical Center Valenzuela, kaugnay ng Republic Act 9439 o ang Anti-Hospital Detention Law.
Ang dalawang kaso ay ibinasura dahil katwiran ng DOH-HFSRB na ang DOH ay hindi ang nararapat na tribunal ng gobyerno na may kapangyarihang ipatupad ang Anti-Hospital Detention Law.
Gayunpaman, natuklasan ng bureau na mananagot ang ospital sa dalawa pang kaso: mga kaso nina Zafra at Ignacio.
Sa kaso ng Zafra, nabigo ang ospital na mairehistro ang kapanganakan ng anak ng nagrereklamo dahil sa isang hindi pa nababayarang bayarin, na humadlang sa bata na makapag-enroll sa paaralan, kaya lumabag sa DOH Department Circular 2020-0120 at Administrative Order 2012-0012, na nag-uutos sa lahat ng ospital upang irehistro ang mga kapanganakan, anuman ang katayuan sa pananalapi ng magulang.
Samantala, ang misrepresentation ng hospital sa silid na may dalawang kama ngunit walang partisyon bilang pribadong silid sa kaso ni Ignacio.
Nabigo rin itong sumunod sa pansamantalang mga alituntunin sa step-down care para sa pagtugon sa coronavirus disease 2019, gaya ng nakabalangkas sa DOH Department Memorandum 2020-0178.Dahil dito, pinatawan ng DOH ng administrative fine na P30,000 ang ACE Medical Center Valenzuela bilang parusa sa ikalawang paglabag sa hindi pagsunod sa mga pamantayang itinakda ng departamento.
Hinikayat ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang sangkot na partido na humingi ng hustisya sa tamang Korte para sa umano’y paglabag s statutory laws na kailangan sa judicial intervention. Jocelyn Tabangcura-Domenden