Manila, Philippines- Nalungkot ang isang fan ni Asia’s Songbird na si Regine Velasquez pagkatapos siyang i-block ng kanyang idolo sa X (dating Twitter).
Mismong ang fan ni Regine ang nag-post ng screenshot ng piktyur na blinak siya sa X account ng “Magandang Buhay” host.
Post ng fan ni Regine, “Hmmm congrats to me and to you, also. Tama ka, blocked naman. I still, love her tho. Naniniwala kasi akong pwedeng magkaiba-iba ng perspective sa buhay pero andun pa rin ang love. Love love love.”
Blinocked ni Regine ang fan dahil sa negative post nito sa pagkaka-delay ng streaming ng bagong mga kanta ni Regine kamakailan.
“Ang totoxic nyo kasi kaya ganyan”
“Maswerte pa din tayo kasi active pa din si Songbird kaya sana wag natin sya ipressure.”
‘Yan ang sabi ng ilang netizen.
Reply naman ng na-blocked na fan, “I’m not pressuring her. Kaya nga kahit ano’ng nilalabas nya, tinatry ko i-stream, or i-purchase. I’m more of annoyed with SM and how they handle itong Reginified. ‘Yun lang naman. No hard feelings for Ate Reg.”
Sinagot naman ito ng isa pamg fan ni Regine.
“Well nd naman siguro syonga ang team ni Songbird, alam nila ginagawa nila kaya maghintay na lang.”
Depensa pa ni fan na na-blocked ni Regine, “Of course, wala namang nagsabi na shunga ang team nya and yes, you are right sa part na maghihintay pa rin but that doesn’t mean na hindi mag-air ng opinion kapag SM is doing it poorly. After all, opinionated akong tao.”