Home METRO Bangkay ng mangingisdang nalunod sa Cebu nrekober ng PCG

Bangkay ng mangingisdang nalunod sa Cebu nrekober ng PCG

144
0

MANILA, Philippines- Nagsagawa ng retrieval operation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isang mangingisda na iniulat na nalunod sa katubigan ng Barangay Talisay, Santander, Cebu.

Nakatanggap ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Santander ng ulat kaugnay sa pagkalunod ng biktimang si Gilberto Omaña na mangingisda sa baybayin.

Agad namang naglunsad ng search and rescue (SAR) operation ang PCG upang mahanap sa katubigan ang mangingisda.

Tumulong din sa operasyon ang PCG Auxiliary (PCGA) divers at Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRMO) Samboan kung saan nahanap ang biktima sa 15 metrong lalim ng katubigan.

Itinakbo ng PCG ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Itinurn-over na rin ang kanyang labi sa kanyang pamilya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here