Home METRO ‘Overstaying’ rice imports mula sa 2 Manila ports ipinalalabas na ng PPA

‘Overstaying’ rice imports mula sa 2 Manila ports ipinalalabas na ng PPA

MANILA, Philippines- Nagsumite ang Philippine Ports Authority (PPA) ng listahan ng consignees na may overstaying rice imports sa dalawang daungan sa bansa.

Sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago na ang mga modus ng karamihang importers ay hindi nakakatulong lalo pa’t matagal na nakatengga ang mga kargamento partikular ang bigas sa mga daungan

Isa aniyang sa pangunahing kampanya ng administrasyong Marcos ay ang pangakong mapabababang presyo ng bigas.

Sa liham na ipinadala sa Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, nakadetalye ang importation inventory hanggang Sept. 30 sa Manila South Harbor at Manila International Container Terminal.

Sinabi rin sa liham na kabuuang 819 TEUs o twenty-foot equivalent unit ang kasalukuyang nasa dalawang pantalan.

Ang 40 TEUs na lumampas na ng 30 araw sa MICT at rice shipment na nanatiling unclaimed nang 287 araw sa kabila ng clearance mula sa Bureau of Customs.

Bukod sa rice shipment, sinabi ni Santiago na kabilang sa listahan ang inventory ng pork, chicken at onion shipments. Jocelyn Tabangcura-Domenden