Home METRO Kelot utas sa kainuman

Kelot utas sa kainuman

116
0

PANGASINAN- Tigok ang isang 58-anyos na mister matapos na saksakin ng kanyang kainuman sa Brgy. Sto. Domingo, Sto. Tomas ng lalawigang ito kagabi.

Nag-iinuman ang biktima at ang 41-anyos na suspek na kalugar rin niya nang biglang magkaroon sila nang mainit na pagtatalo.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo, bigla na lang sinaksak ng suspek ang biktima na agad nitong ikinasawi.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here