Home METRO Karpintero utas sa sinusundang Elf truck

Karpintero utas sa sinusundang Elf truck

96
0

PANGASINAN- Kamatayan ang sumalubong sa isang karpintero matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa likuran ng sinusundan nitong Isuzu Elf truck sa Brgy. Poblacion East, Bautista ng lalawigang ito kahapon, Oktubre 4.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang 42-anyos na driver ng kulay asul na Honda Click 125 motorcycle na residente ng Brgy. Nandacan ng naturang bayan.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang 60-anyos na driver ng Isuzu Elf truck na residente ng Brgy. Ligid Tipas, Taguig City.

Sa imbestigasyon, ang Isuzu elf truck at ang motorsiklo ay parehong papuntang kanluran direksyon sa national road sa naturang lugar.

Habang naka-stationary position ang elf truck dahil hinihintay nitong mag-move ang sasakyan na nasa harapan nito, bigla na lang bumangga sa likod nito ang motorsiklo.

Dahil dito, nagtamo ng severe head injuries ang driver ng motorsiklo na ikinasawi nito. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here