MANILA, Philippines – Naghain na ng certificate of candidacy si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City.
Ayon sa ulat, naghain si Duterte ng kanyang COC sa Commission on Elections office sa lungsod.
Siya ay nagging mayor na rin ng Davao City sa mahabang panahon, bago siya nanalo bilang
presidente noong 2016.
Ang kanyang anak si incumbent Davao City Mayor Sebastian Duterte ay tatakbo naman bilang vice mayor habang si incumbent Vice Mayor Jay Melchor Quitain ang tatakbong councilor.
Samantala, naghain din ng COC si Omar Duterte, anak ni incumbent Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, para tumakbo bilang congressman sa second district. RNT/JGC