Home NATIONWIDE LMP national president, naghain ng COC bilang kongresista ng Abra

LMP national president, naghain ng COC bilang kongresista ng Abra

BANGUED, Abra – Muling susubukang makabalik bilang kinatawan ng lalawigan ng Abra si League of Mayors of the Philippines National President Joseph Sto Nino “JB” Bernos sa ilalim ng Lakas Christian and Muslim Democrats o Lakas-CMD matapos na maghain ng kanyang kandidatura.

Si Mayor Bernos, na nanilbihan bilang representante ng Abra ng dalawang termino mula taong 2016-2022 ay katuwang ni dating Abra Governor Eustaquio Bersamin ng Partido Federal ng Pilipinas, kapatid ni dating Supreme Court Chief Justice at kasalukuyan Executive Secretary Lucas Bersamin, ay naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-gobernador habang ang kanyang pamangkin na si Anne Bersamin ay sa puwesto ng pagkabise-gobernador.

Sa pahayag ni LMP President at La Paz, Abra Mayor Bernos, marami pa siyang dapat matupad na mga pangako at programa para sa mga mamamayan ng Abra dahilan sa kanyang pagnanais na muling bumalik bilang kongresista at ikakatawan ang Abra.

Ayon kay dating Gov. Bersamin na malawak at maraming mga programa at proyektong naisakatuparan nina Cong. Menchie at Mayor JB Bernos sa pag-unlad ng estado at kabuhayan ng mga Abrenians dahilan kung bakit matutunghayan ang isang pinakamaunlad na lalawigan sa rehiyon ang Abra, hindi lamang sa Kordilyera,bagkus ay sa buong Hilagang Luzon.

Kaugnay nito, pangunahing nominee naman si Abra Cong. Menchie Bernos sa partylist group na Solid North, katuwang ang isang umuusbong na lider pulitikal mula sa pamilya Ortega ng La Union bilang second nominee habang si Apayao Gov. Elias Bulut Jr. bilang third nominee. Rey Velasco