Manila, Philippines- Klinaro ni Derek Ramsay na hindi siya nagmamalinis pero sa totoo lang ay hindi pa raw siya nabiktima ng anumang uri ng sexual abuse, harassment o exploitation sa showbiz.
Gayunpaman, aware naman siya na nangyayari ang ganoong kalakaran sa anumang uri ng propesyon.
Ayaw din daw niyang magmaang-maangan na sa mundong kanyang ginagalawan ay may mga artistang pumapatol sa mga bading o kaya pa-booking kapalit ng kasikatan.
Samantala, nakunan naman ng reaksyon si Derek kung ano ang magiging reaksyon nito kung sakaling may magtatangkang i-harass siya sexually.
Aniya, sasampulan daw agad niya ito ng “upper cut.”
“Simple, upper cut (muwestra ang upper cut) left hook. Very simple, (muwestrang sapak) ganu’n kaagad,” mabilis niyang sagot.
Sa vlog ni Morly Alinio, nilinaw namn niya na hindi siya homophobic.
“Hindi ako homophobic, magkaibigan tayo, I’m very comfortable with you, I love the gay community, pero you have to respect my boundaries na akala mo magaganu’n mo ako or anything, di ba?,” pahayag niya.
“I won’t respect your boundaries, ito (ipinakita ang kamao) ang babalik sa ‘yo. Sapak talaga, that’s disrespectful na,” dugtong niya.
Samantala sa tsikahan nila ni Morly, nalulungkot daw siya sa mga kabataang nabibiktima ng sexual harassment o sexual abuse.
Bilang isang ama, kinukundena raw niya ang ganoong klase ng exploitation.
Katunayan, ini-encourage raw niya ang mga biktima ng karahasan o kalapastangan na magsalita.
Dagdag pa niya, dapat daw na parusahan ang mga taong bumibiktima ng mga batang inosente. Archie Liao