Home ENTERTAINMENT Blythe, nanood ng Olivia concert, sinabihang abusado!

Blythe, nanood ng Olivia concert, sinabihang abusado!

199
0

Manila, Philippines- Usap-usapan hanggang ngayon ang aktres na si Andrea Brillantes matapos ang concert ni Olivia Rodigo sa Manila nitong weekend.

Like the normal netizens, hindi rin kasi pinalampas ni Blythe ang pag-flex sa social media ng Guts World Tour experience nito.

Pero hindi positibo ang naging pagtanggap ng netizens sa nasabing Instagram update ng aktres.

Base sa comment ng netizens, inabuso ni Andrea ang connection nito sa pag-secure ng tickets.

“Of course she used her connections bilang sikat na artista kaya nakakuha siya ng ticket!”

“Always pa-VIP! Imposibleng pumila ‘yan para makabili ng tickets!”

“Ang dami niyang pera, afford niya kahit saang bansa mag-concert si Olivia pero nanlamang pa sa 1,500php worth of ticket.”

“Abusado! Porke malakas connection! That’s why I don’t like her!”

Ilan lang ‘yan sa nasabi ng netizens sa aktres nang mapansin ng mga ‘to na napakaganda ng puwestong nakuha ni Blythe.

Pagtatanggol naman ng fans and supporters, “Kahit kayo naman nasa posisyon niya gagamitin niyo rin connection niyo!”

“FYI, pinaghirapan naman ni Blythe ‘yan! Hindi naman siya bibigyan ng special treatment basta basta if she didn’t work hard for it.”

“If ever man, ano naman? It’s her right, wala naman siyang ginawang masama, she’s still a human being like you.”

Well… Abusado nga ba or she’s just enjoying the perks of being a famous actress?

Leave your comments below! Paula Jonabelle Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here