Home NATIONWIDE Mga hayop na madaling kapitan ng FMD mula Türkiye, ban muna sa...

Mga hayop na madaling kapitan ng FMD mula Türkiye, ban muna sa Pinas

148
0

MANILA, Philippines – PANSAMANTALANG ipinagbabawal ang pag-angkat ng ‘foot-and-mouth diseases (FMD)-susceptible animals, mga produkto, at by-products’ mula Republic of Türkiye kasunod ng napaulat na FMD outbreak sa mga baka sa Cugun, Merkez, Kirsehir noong Setyembre 9.

Sa katunayan, nagpalabas si DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng Memorandum Order 42 nito lamang Oktubre 4 na nagpapatupad ng temporary import ban para mapigilan ang pagkalat ng FMD virus sa bansa.

“We’re imposing an import ban to mitigate the risk of FMD transmission to our local animal population,” ang sinabi ng Kalihim.

Sa ilalim ng naturang kautusan, ang ‘pagpoproseso, pagsusuri at pagpapalabas ng sanitary at phytosanitary import clearance’ ng mga nabanggit na kalakal ay kagyat na suspendido.

Ang lahat ng shipments o kargamento mula Türkiye na nasa byahe na o tinanggap na sa mga daungan ay papayagan lamang kung ito’y kinatay o pinrodus (produced) sa mismong petsa o bago pa ang Agosto 26. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here