Home OPINION LEGISLATIVE AGENDA NI ORETA

LEGISLATIVE AGENDA NI ORETA

191
0

INIHAYAG ni former Malabon Mayor Antolin “Lenlen” Oreta III ang mga isasakatuparang batas kapag nanalong congressman sa lone district ng lungsod sa 2025 midterm elections.

Kasama sa aasintahin ni Oreta ang kalusugan at kapakanan ng mga senior citizen sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga specialty hospital para sa nabanggit na sektor.

Ayon sa longtime public servant, oobligahin dito ang Philippine Health Insurance Corporation na balikatin ang gastos sa ospital ng mahihina at may sakit na  mga lolo at mga lola..

Dadalhin din ni Oreta sa national level ang sinimulan niyang programa sa Malabon upang pigilan ang pagkabansot ng mga bata na nakaaapekto sa kanilang pagkakaroon ng kaalaman.

Target ng dating Malabon Mayor na magpasa ng Magna Carta for Children na magtatatag ng Philippine Commission for Children at oobliga sa mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng epektibong nutrition programs para sa kabataan.

Isusulong din ni Oreta ang isang bagsakang maternity cash aid para sa mga buntis na manggagawa sa informal economy na hindi miyembro ng Social Security System at Government Service Insurance System, salig sa International Labor Organization o ILO.

Para naman sa mga  manggagawa, nais repasuhin ng dating alkalde ang regional wage fixing mechanism upang maging sapat ang sweldo ng mga ito at makasabay sa sirit-presyo ng mga bilihin sa bansa.

Kabilang pa sa mga plano ni Oreta ang pagkakaroon ng abot-kayang pabahay para sa mga urban poor at indigent families, suporta at proteksyon sa mga ina, solo parents at mga biktima ng karahasan.

Gayundin ang pagpigil sa lumolobong teenage pregnancy at pagpapatupad ng komprehensibong anti-discrimination policy para sa lesbian, gay, bisexual, transgender, intersex, queer/questioning, asexual o LGBTQIA+ community.

Dating konsehal, bise alkalde at three-term mayor ng Malabon, si Oreta ang arkitekto  sa tinatamasa ngayong kaunlaran ng lungsod.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here