Home NATIONWIDE PBBM, umaasa na sa ASEAN partnership na makatulong sa mga kasalukuyang hamon...

PBBM, umaasa na sa ASEAN partnership na makatulong sa mga kasalukuyang hamon sa Pinas

206
0

UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ang kanyang partisipasyon sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits para makahanap ng paraan na matugunan ang mga kasalukuyan hamon sa Pilipinas.

Sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang pakikipagpulong sa Filipino community sa Vientiane na ang labanan sa Europa at Ginang Silangan, climate change, at transnational crimes ay nakaaapekto sa mga Filipino na nagta-trabaho at nakatira sa ibang bansa kabilang na iyong mga nasa Lao PDR.

“My participation and that of the Philippines in the ASEAN meetings is precisely to find ways to cooperate with partners to better meet the challenges of today, to forge a better future for our beloved Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos.

Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang mga Filipino sa Lao PDR, sabay sabing ipinagmamalaki niya ang lahat ng mga ginagawa ng mga ito.

Sinabi rin ng Chief Executive sa mga ito na ipagpatuloy lamang ang pagiging ‘ambassadors of goodwill’ para sa Pilipinas. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here