Home NATIONWIDE Nominasyon itinanggi ng partido, pero COC ni Quiboloy ipoproseso pa rin ng...

Nominasyon itinanggi ng partido, pero COC ni Quiboloy ipoproseso pa rin ng Comelec

182
0

MANILA, Philippines – Ipoproseso pa rin ng Comelec Law Department ang Certificate of Candidacy ni Pastor Apollo Quiboloy kahit pa idineklara ng mga namumuno sa political party na Workers’ and Peasants’ Party (WPP) na hindi nila pinirmahan ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ni Pastor Quiboloy para tumalbo sa pagka-senador.

Ayon kay Comelec Spokesman Atty. John Rex Laudiangco, lahat ng ipinasang COC at CONA ng mga tatakbo sa pagka-senador ay susuriin ng kanilang law department saka maglalabas ng desisyon.

Sinabi ni Laudiangco na maaring ideklarang independent candidate si Pastor Quiboloy kung hindi naman talaga napirmahan ng nabanggit na partido ang kaniyang CONA.

Pero dahil ang COC ay isang sinumpaang salaysay, posiblemg makasuhan ng perjury kung mapapatunayan na mali at hindi totoo ang mga inilagay na detalye o pirma.

Muling iginiit ng Comelec na sasalain pa ang mga COC ng mga aspirante sa pagka-senador at saka sila maglalabas ng opisyal na listahan ng mga kandidato.

Maari naman maghain ng petisyon ang sinuman registered voters sa Comelec para ipakansela, ipa-disqualify o kaya ay ipa-deklarang nuisamce candidate ang isang aspirante na nagpasa ng COC. (Jocelyn Tababgcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here