Home NATIONWIDE China: Tensyon pinagagrabe ng Taiwan President

China: Tensyon pinagagrabe ng Taiwan President

157
0

ITINURO ng Tsina si Taiwan President Lai Ching-te na pinatataas ang tensyon na may “sinister intentions”.

Ito ang sinabi ng gobyerno ng Tsina bago pa ang keynote speech ni Lai.

Si Lai, naupo noong Mayo matapos na manalo sa Eleksyon noong Enero, kinasuklaman ng Tsina at tinawag siyang “separatist”.

Sinabi ng Beijing na demokratikong pinamamahalaanan nito ang Taiwan at itinuturing na sariling teritoryo nito, na pinalagan naman ni Lai at ng kanyang gobyerno.

Para kay Lai, “impossible” para sa People’s Republic of China na maging motherland ng Taiwan, dahil ang Taiwan ay mayroong mas lumang political roots. ang tugon naman ng Taiwan Affairs Office ng Tsina ay nililito ni Lai ang kanyang mga mamamayan at pilit na ginagawang tama ang mali.

Sinabi pa ng Taiwan Affairs Office na patuloy na inilalako ni Lai ang teorya na ang magkabilang panig ng Taiwan Strait ay dalawang hiwalay na mga bansa.

“Lai Ching-te’s Taiwan independence fallacy is just old wine in a new bottle, and again exposes his obstinate stance on Taiwan independence and his sinister intentions of escalating hostility and confrontation,” ayon pa rin sa Taiwan Affairs Office.

Nakatakda namang magbigay si Lai ng kanyang pangunahing national day speech, araw ng Huwebes, marka ng pagbagsak ng huling Chinese dynasty noong 1911.

Samantala, sinabi ni Lai na ang mga mamamayan ng Taiwan lamang ang makapagdedeisyon ng kanilang kinabukasan at makailang ulit na nag-alok ng pag-uusap sa Beijing subalit makailang ulit din na tinanggihan.

Ikinasa naman Tsina ang “punishment” war games sa palibot ng Taiwan matapos ang inagurasyon ni Lai noong Mayo. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here